Sa Pilipinas, isa sa bawat limang tao ang nakakaranas ng DED. Ito ay dulot ng mahabang pagbabad sa mga computer monitor, paggamit ng electronic gadgets, at madalas na pagkakalantad sa air-conditioned na lugar. Malaking panganib din ito sa mga babaeng nasa menopos, kung saan walong kada sampu ang apektado, lalo na ang mga gumagamit ng contact lenses.
Ang DED ay maaaring magdulot ng 'sandy' o gritty sensation, pagkapagod ng mata, at pangangati na parang sinusunog ang mga mata. Bilang unang hakbang, ang Hypromellose ay available over-the-counter para sa paggamot nito.
"Mahalaga ang regular na check-up ng mata upang agad na makapagbigay ng tamang gamot sa kondisyon," ayon kay Dr. Jennifer Joy Santos-Rayos, isang opthalmologist.
Ang PT Combiphar, na may pangunahing opisina sa Jakarta mula pa noong 1991, ay tumutulong sa kampanya laban sa DED. "Ito ay higit pa sa isang kampanya. Ito ay isang tawag sa aksyon," sabi ni Weitarsa Hendarto, Direktor ng International Operations.
Sa panahon ngayon, ang mga mata ay dapat pangalagaan upang maiwasan ang malubhang mga komplikasyon ng Dry Eye Disease.