CLOSE

Green is the new black: Ano ang Green Coffee?

0 / 5
Green is the new black: Ano ang Green Coffee?

Alamin kung bakit ang green coffee, o hindi pa-inaalis na buto ng kape, ay sinasabing mas healthy at puno ng benefits kumpara sa tradisyonal na black coffee.

Noong araw, usap-usapan ang labanan ng green tea at black tea pagdating sa kalusugan. Ngayon, napunta naman ang spotlight sa green coffee, na sinasabing mas beneficial pa.

Ang green coffee ay ang mga hilaw at hindi pa inaalis na buto ng kape na kulay green, kaya’t tinawag itong green coffee. Ayon sa healthline.com, maraming health benefits ang green coffee dahil sa dami ng chlorogenic acids nito – mga compound na may malalakas na antioxidant at anti-inflammatory properties.

Sa Pilipinas, isa sa mga nagpakilala ng green coffee ay si Duncan Yu. Kwento niya, natuklasan niya ito nang mabasa sa sangkap ng isang milk tea brand. Nagsaliksik siya at noong 2016, inilunsad niya ang Ultra Green Coffee (UGC).

“Para ito sa mga mahilig sa kape pero acidic ang sikmura,” sabi ni Yu. “Maraming positive feedback mula sa mga kababaihan na nabawasan ang sintomas ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at nagkaroon ng regular na regla; at sa parehong lalaki’t babae, bumaba ang blood sugar at cholesterol levels, at mas maganda ang appetite control.”

Sa isang pag-aaral na tumagal ng walong linggo, 50 tao na may metabolic syndrome – mga risk factors tulad ng high blood pressure at blood sugar na nagdaragdag ng posibilidad ng diabetes at heart disease – ang uminom ng 400 mg ng decaffeinated green coffee bean extract dalawang beses araw-araw. Ayon sa Healthline, nagkaroon ng significant na improvement sa kanilang fasting blood sugar, blood pressure, at waist circumference kumpara sa control group.

“Isa pang nadiskubre ko ay nakakapagpabawas ng gana sa pagkain ang green coffee kaya’t pumapayat ka,” dagdag ni Yu.

“Hindi ko sinasabing miracle drink ang UGC. Ang tamang diet, sapat na ehersisyo, at pag-iwas sa stress pa rin ang susi sa healthy na buhay,” pagtatapos niya.