CLOSE

Ivana Alawi Shares Near-Death Battle with PCOS: ‘It Felt Like a Second Life’

0 / 5
Ivana Alawi Shares Near-Death Battle with PCOS: ‘It Felt Like a Second Life’

Actress Ivana Alawi, in a moving vlog, opens up about her near-death experience battling PCOS, sharing the pain and her gratitude for a second chance at life.

— Sa kaniyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng aktres na si Ivana Alawi ang kaniyang matinding karanasan matapos ma-ospital dahil sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).

"Ipapakita ko sa inyo ang isa sa pinaka mahirap na journey sa buhay ko," kwento ni Ivana sa video. "Para talaga akong nagpaalam sa mama ko. Pakiramdam ko, parang pangalawang buhay ko na talaga ito."

Ayon kay Ivana, ang pananakit na dulot ng PCOS ay humantong sa pagdami ng fluid sa kaniyang tiyan, na halos umabot na sa kaniyang baga. “Mukha na akong buntis, para talagang wala nang hinga,” aniya, habang ikinuwento kung paano halos mawalan na siya ng malay sa sakit.

“Parang sinasabi ko, ‘Butasan niyo na ako,’” pagbabalik-tanaw ni Ivana sa mga sandaling iyon. Nang tuluyan siyang isinailalim sa pag-drain ng fluid, nalaman ng mga doktor na may dalawang litro na itong naiipon, na nagtulak sa kaniyang baga kaya siya hirap huminga.

Matapos ang tatlong araw na halos hindi na makakilos, inamin ni Ivana na hindi siya makaihi at pati ang puso niya ay mabilis na ang tibok. “Lahat, naipon na sa katawan ko,” sabi pa niya.

Nagbabala rin siya sa kaniyang mga manonood: "Kapag may nararamdaman, magpa-check agad. Huwag hintaying lumala.” Ngayon, ayon sa aktres, siya’y nasa proseso pa ng paggaling at hinihintay ang tuluyang pagbalik sa normal na estado ng kalusugan.

READ: PCOS and Nutrition Tips for Managing Symptoms