– Pinirmahan ni Lauri Markkanen, isang NBA All-Star forward noong 2023, ang kanyang 5-taong extension sa Utah Jazz, ayon sa team nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
Ang 27-taong gulang na seven-footer mula Finland ay kinilala bilang NBA Most Improved Player noong 2022-23 season, kung saan nag-average siya ng career-high na 25.6 puntos at 8.6 rebounds kada laro.
"Super excited ako na natapos na ang extension na 'to," sabi ni Markkanen sa isang video na pinost sa Jazz's X account. "Handa na akong bumalik sa trabaho at mag-build kasama ang team na 'to. Deserve niyo manalo. Go Jazz!"
Ayon sa ESPN, ang halaga ng kontrata ni Markkanen ay $238 milyon. Meron pa siyang isang taon at $18 milyon na natitira sa kanyang dating kontrata pero makakatanggap siya ng $24 milyon para sa susunod na season at $196 milyon sa susunod na apat na taon.
Kasama sa terms ng kontrata na hindi maaaring i-trade si Markkanen hanggang matapos ang susunod na season.
Nag-average si Markkanen ng 23.2 puntos at 8.2 rebounds kada laro noong nakaraang season para sa Jazz, na nagtapos ng 31-51 at hindi nakaabot sa playoffs sa pangalawang sunod na taon.
Huling nakarating ang Jazz sa NBA Finals noong natalo sila sa Michael Jordan-led Chicago Bulls noong 1998.
Si Markkanen, na naglaro ng apat na season sa Chicago at isang season sa Cleveland, ay may career averages na 18.1 puntos at 7.3 rebounds sa pitong NBA seasons.
READ: NBA: France Pasok sa Olympics Basketball Semis, Tinalo ang Canada