CLOSE

Kathryn Bernardo Ipinakilala ang Bagong Hot Fitness Trainer sa Century Tuna Superbods 2024

0 / 5
Kathryn Bernardo Ipinakilala ang Bagong Hot Fitness Trainer sa Century Tuna Superbods 2024

Kathryn Bernardo ipinakita ang kanyang "revenge body" sa Century Tuna Superbods 2024 finals at ipinakilala ang bagong trainer na si Mauro Lumba.

— Sa Century Tuna Superbods 2024 finals na ginanap kagabi sa Marriott Manila Hotel sa Pasay City, umeksena ang aktres na si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang bagong hot “revenge body” bilang isa sa mga bagong Century Tuna “Superbods”.

Sa programa, hinarap ni Kathryn ang mga host na sina Robi Domingo at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel para sa isang makulit na interview.

“Bale, nagstart ako mag-prepare para sa sexy dance number ko last week lang, pero yung ‘Superbod’ body ko, ilang buwan ang paghahanda nito. Salamat sa aking trainer na si Mauro Lumba,” ani Kathryn habang nakatingin kay Mauro na nasa audience.

“Ayan, very patient si trainer Mauro. Shout out sa kanya!” dagdag pa niya.

Si Mauro Lumba, na siyang nanalo ng 2014 Century Tuna Superbods kasama ang dating aktres na si Sara Polverini, ay kilala na rin bilang fitness trainer ngayon. Base sa kanyang mga Instagram posts, may partner at anak na rin siya ngayon.

Bukod sa fitness training, ibinida rin ni Kathryn ang kanyang balanced diet na siyang tumulong sa pagkamit ng bagong katawan.

“Para sa akin, ang pag-abot sa best version ng sarili natin ay kasama sa growth. Importante ang awareness at willingness to grow every day,” paliwanag niya.

Pinaniniwalaan din ni Kathryn ang 1% habit: “Yung tipong araw-araw, kahit 1% improvement lang. Hindi ito instant. Isipin mo lang, 1% progress araw-araw, maliit na panalo, maliit na progreso, tapos bigyan mo ng ilang buwan o taon, makikita mo na malaki na ang improvement.”

Sa kanyang kwento at payo, makikita ang dedikasyon ni Kathryn sa kanyang fitness journey at ang kanyang inspirasyon para sa lahat ng gustong mag-improve ng kanilang sarili.
 
RELATED: 'Kathryn Bernardo sumali kay Alden Richards bilang bagong Century Tuna 'Superbod'