Nakakabahalang Pagkalimot ng mga Kabataan: Mga Sanhi at Solusyon
Karaniwang iniisip na ang pagkalimot o memory loss ay para lamang sa mga matatanda o may malalang kondisyon sa utak. Ngunit kahit ang mga kabataan ay maaaring makaranas nito dahil sa ilang lifestyle choices at iba pang factors.
Kung minsan, nag-aalala tayo kapag nakakalimutan natin ang pangalan ng kakakilala pa lang o ang sinabi ng kausap. Pero hindi ibig sabihin nito ay may dementia na o future neurological disorder. May iba't ibang dahilan kung bakit minsan hindi umaandar nang maayos ang ating utak.
Kulang sa Tulog
Ang pagkatulog ay mahalaga para sa malusog na alaala. Ang mga walang sapat na tulog ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng high blood pressure at masikip na blood vessels, na nagpapababa ng daloy ng dugo sa utak. Sa tulog din isinasagawa ng utak ang pagproseso ng mga alaala—ang mga mahalaga ay itinatabi, habang ang hindi ay itinatapon. Kapag kulang o hindi maganda ang tulog, hindi maayos na napoproseso ng utak ang mga alaala, na nagpapahirap sa pagkatuto kinabukasan.
Hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng walong oras na tulog. Ang sobrang tulog ay maaaring senyales ng poor sleep quality, na mahalaga rin para sa memory retainment.
Stress at Anxiety
Ang anxiety ay estado ng pag-aanticipate ng banta at konektado sa stress response ng katawan. Kapag may nakikitang panganib, nagpapadala ito ng distress signal sa utak para magpump ng adrenaline at cortisol (stress hormone) para maging alerto. Ang resulta, tumataas ang pulse rate at blood pressure.
Kapag palaging anxious, maaring magpatuloy ang mataas na level ng adrenaline at cortisol kahit walang panganib, na nagreresulta sa poor sleep—isang pangunahing sanhi ng memory loss.
Cognitive Overload
Ang short-term memory ay tumutukoy sa pansamantalang storage ng utak para sa bagong impormasyon. Kaya nitong mag-imbak ng lima hanggang siyam na items at nagtatagal ng 30 segundo maliban kung ililipat sa long-term memory.
Kapag maraming external stimuli, maaaring mabura ang ibang impormasyon sa short-term memory. Maaaring mangyari ito kapag maraming distractions, tulad ng multitasking o maingay at magulong paligid.
Ang pansamantalang impormasyon ay karaniwang isinasalin sa long-term memory gamit ang rehearsal strategies, tulad ng paulit-ulit na pagbabasa ng notes para sa exam, pagsabi ng mga bagay nang paulit-ulit, at paggamit ng mnemonics. Ang memory consolidation ay nangyayari rin sa tulog.
Remote Working
Ang remote work ay nagbigay ng mas malaking control sa oras at finances ng mga empleyado. Ngunit ang ganitong setup ay nakakaapekto sa socialization. Maaaring lumipas ang ilang araw nang hindi nakakapag-usap sa iba, na isa ring paraan para ma-rehearse at ma-consolidate ang ating alaala.
Hindi ibig sabihin nito na masama ang remote work, pero dapat din nating pahalagahan ang oras para sa social interaction.
Burnout
Ang burnout ay isang estado ng pagkapagod at kawalan ng pag-asa. May tatlong dimensyon ito: physical, mental, at emotional exhaustion; cynical feelings towards work; at reduced effectiveness. Ang burnout ay bunga ng prolonged stress response. Tulad ng nabanggit, ang extended exposure sa stress hormones ay maaaring makaapekto sa tulog at memory retainment.