— Alam niyo ba na tayo ang pinaka-puyat sa Asya? Ayon sa Milieu Insight noong 2023, 56% ng mga Pilipino ay natutulog ng wala pang pitong oras kada araw. Kasunod natin ang Thailand (49%), Indonesia (44%), Vietnam (43%), Singapore (42%), at Myanmar (39%).
Pumapangatlo rin tayo sa buong mundo sa kakulangan ng tulog. Ang app na Sleep Cycle ay nag-ulat na ang mga adult na Pilipino ay natutulog lamang ng anim na oras at kalahati kada araw.
Ayon sa Harvard Medical School, kailangan ng kahit pitong oras na de-kalidad na tulog para sa pag-recharge ng katawan at maiwasan ang mga sakit tulad ng diabetes, stroke, at mental health issues gaya ng depresyon at anxiety.
Nag-viral noong Disyembre ang video ng tatlong-taong-gulang na batang Pilipino na natutulog sa kama ng IKEA showroom, umani ito ng higit 4.5 milyong views sa TikTok.
Sa kanilang kampanya na “Wake up! It’s time to sleep,” tampok ng Swedish lifestyle brand ang tatlong magkakaibang kliyente na nakatulog sa kanilang showroom, kabilang ang nasabing bata. Layunin ng kampanya na himukin ang mga Pilipino na bigyang halaga ang mas magandang tulog. Iniimbitahan din ang mga customer na subukan ang kanilang sleep solutions sa showroom sa Pasay City.
Ayon sa Life at Home Report 2023 ng brand, 44% ng mga Pilipino ay naniniwalang ang pagtulog ang pangunahing dahilan ng pagpapahalaga sa tahanan. Dahil dito, nag-aalok sila ng iba't ibang solusyon para sa mas magandang tulog—mula sa komportableng kama, tamang ilaw, temperatura, tunog, kalidad ng hangin, at organisasyon.
Para sa komportableng pagtulog, mahalaga ang tamang kutson at unan. Inirerekomenda nila ang Åfjäll foam mattress o ang mas matibay na Valevåg Pocket spring mattress. Para naman sa ergonomic pillows, may Mjölkklocka na may memory foam, perpekto sa side o back sleepers.
Mas mainam ang madilim na kwarto para sa kalidad ng tulog. Ang Tärnaby table lamp na may dimmer ay tamang-tama para makapaghanda sa pagtulog. Mas maganda kung may Trådfri remote control kit na kayang i-dim o patayin mula sa malayo.
Isang susi sa magandang pagtulog ay ang tamang temperatura. May cooling pads at pillows tulad ng Klubbsporre ergonomic pillow na may memory foam at gel layer para sa cooling effect. Para naman sa mas malamig na higaan, subukan ang Rexbegonia cooling pad—pwedeng ilagay sa ref bago gamitin.
Natuklasan din ng kanilang ulat na 31% ng mga Pilipino ay nakikinig ng musika, podcast, o wellness apps para makatulog. Ang Symfonisk Sonos Wifi bookshelf speaker ay nagbibigay ng malutong na tunog na pwedeng punuin ang buong kwarto para sa tamang atmospera ng pagtulog.
Hindi gaanong napapansin ang kalidad ng hangin sa pagtulog, pero mahalaga ito. Ang Vindriktning air quality sensor ay maaaring makadetect ng air particles at bagay ito ipares sa Förnuftig air purifier para sa malinis na hangin sa kwarto.
Para sa mas organisadong kwarto, inirerekomenda ang Malm chest of four drawers at Skubb box of six, para sa maayos na pag-aayos ng damit at gamit. Ayon din sa ulat, 12% ng mga Pilipino ay may upuan o katulad na gamit sa kwarto na nagsisilbing pansamantalang aparador.
“Ang maayos na tulog ay maraming benepisyo sa kalusugan at mahalaga para sa pinakamabuting kalagayan,” ayon sa Harvard Medical School.