CLOSE

MPL Philippines S14: Bagong Transfer Scheme, Teams, at Point System; Exciting Match-ups Abangan!

0 / 5
MPL Philippines S14: Bagong Transfer Scheme, Teams, at Point System; Exciting Match-ups Abangan!

MPL Philippines Season 14, may bagong transfer scheme at point system! Abangan ang pasabog na match-ups simula August 16!

– Exciting developments ang dala ng Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines sa kanilang 14th season, kasama na ang pag-introduce ng bagong global open transfer system na siguradong magpapainit ng kompetisyon, hindi lang dito sa bansa kundi pati na rin sa international scene.

Sa bagong transfer system, puwedeng mag-trade ang walong franchise teams, mag-sign ng free agents, o mag-release ng current players. Walang limit sa transfer pero kailangang sundin ang mga patakaran: dapat may minimum na anim at maximum na sampung players ang bawat team. Dapat din dumaan sa tamang proseso ang transfers at walang anumang contract violations. Simula ng transfer window tuwing Lunes pagkatapos ng bawat regular season week, kasama na ang mga overseas players.

Pero hindi lang transfer system ang bago! Modified na rin ang point system para sa regular season: ang mananalo sa match-up (kahit 2:0 sweep o 2:1) lang ang magkaka-points, habang ang mga talunan (0:2 o 1:2) ay wala. Mas may bigat na tuloy bawat panalo sa buong season.

Sino-sino ang mga Bago?

Ngayon season, pinakamalaking shake-up ng teams ang naganap simula nang maging franchise league ang MPL. Last July, naganap ang isang pasabog na announcement: Ang Minana EVOS ay magpapaalam na, at ang bagong franchise team, Aurora, ay magde-debut ngayong Season 14.

Pinamumunuan ng Aurora ang ilang dating Blacklist International players na sina Renejay “Renejay” Barcarse, Edward Jay “Edward” Dapadap, at Kenneth “Yue” Tadeo, kasama ng mga dating Blacklist coaches Dexter “DexStar” Alaba at Aniel “MasterTheBasics” Jiandani. Kasama rin sa team ang dating RSG Philippines jungler na si Jonard “Demonkite” Caranto, dating Minana EVOS goldlaner na si Dominic “Domeng” del Mundo, at dating TNC Pro Team coach at roamer na si Ben Seloe “Benthings” Maglaque.

Dahil sa pagkawala ng karamihan sa kanilang players, kumuha naman ang Blacklist International ng mga dating Filipino imports na sina Gerald “Dlar” Trinchera at Michael “MP the King” Endino, matapos ang ilang seasons overseas. Nakumpleto ang kanilang 10-man roster sa pagdagdag nina Jhon Marl “Lord JM” Sebastian, Mark “MarkTzy” Pagaduan, Kim “Kimpoy” Dela Cruz, Jhonville “OUTPLAYED” Villar at Dexter “Exort” Martinez.

Malalaking pagbabago rin ang hatid ng TNC Pro Team sa bagong coach nilang si dating caster/analyst Caisam “Wolf” Nopueto, kasama si Fnatic ONIC's Patrick “E2MAX” Caidic bilang bahagi ng coaching staff. Babalik sa TNC sina Shemaiah “SDzyz” Chu at Jomarie “Escalera” Santos, matapos ang kanilang stints sa Team Occupy at Fnatic ONIC; habang sina dating Minana EVOS players Ken “Kzen” Pile, Lance “LanceCy” Cunanan, at Salvick “Kouzen” Tolarba ay sasama na sa Phoenix Army.

Ang Smart Omega naman ay magpapakitang-gilas kasama ang kanilang development league players tulad nina Joshua “Ch4knu” Mangilog, Andrew “Andoryuuu” Flora, at Jayson “UK1R” Alupit. Sa kabilang banda, ang Fnatic ONIC ay nag-sign ng ilang dating Minana EVOS players na sina Brian “Spider-Milez” Santos, Borris “Brusko” Parro, Jan “Kirk” Gutierrez, at ang beteranong si Jeniel “HAZE” Bata-anon bilang assistant coach.

Nagbabalik naman si RSG Philippines jungler John “1rrad” Tuazon matapos ang kanyang stint sa Indonesia's RRQ Hoshi habang ang MSC teams na Team Liquid PH at Falcons AP Bren ay panatilihin ang kanilang champion rosters.

Magsisimula ang 14th season ngayong Biyernes, August 16, kung saan magtatapat ang TNC Pro Team laban sa Smart Omega sa alas-5 ng hapon, at ang Aurora kontra sa dating team nilang Blacklist International sa alas-7:30 ng gabi.

READ: Moonton, Silab Ipinakilala ang Philippine Qualifier para sa MWI 2024