Moonton, Silab Ipinakilala ang Philippine Qualifier para sa MWI 2024

0 / 5
Moonton, Silab Ipinakilala ang Philippine Qualifier para sa MWI 2024

MANILA, Pilipinas -- Inilunsad ng Moonton Games ang kanilang Road to MWI 2024 kasama ang Silab at ang Philippine Esports Organization (PESO). Ang kompetisyon ay magtatakda kung sino ang magre-representa sa bansa sa paparating na Mobile Legends Bang Bang Women's Invitational na magaganap sa Esports World Cup sa Riyadh, Saudi Arabia sa Hulyo.

"Sa Moonton Games, mahalaga sa amin ang pagrepresnta ng mga kababaihan sa esports. Sa pagsasagawa ng SILAB: Road to MWI Finals 2024, umaasa kami na ang platapormang ito ay magbibigay ng pansin sa ating mga Filipina MLBB gamers upang sila ay makita at marinig dahil sila ay ganap na malalakas at talented tulad ng ating mga lalaking gamers. Ang mga Filipina, bukod sa mga managers, coaches, hosts, at casters, ay mga matatag na MLBB esports athletes rin," sabi ni Lee Viloria, Moonton Games BD at partnerships lead.

Ang Silab ay pinangungunahan ng mga kilalang babae sa larangan ng esports at gaming, kabilang dito ang tagapagtatag ng Liga Adarna at dating commissioner na Queen Wasabi, founder at CEO ng Overdrive Creative Studios na si Dani Rogacion, MPL Philippines caster na si Chantelle Hernandez, at dating PC Pro Esports Athlete at Fantech PH Esports and PR Manager na si Jang Bien.

"Ang partnership na ito sa Moonton Games ay patunay sa kanilang commitment na lumikha ng isang plataporma para sa mga babae at ng mga babae. Nagpapasalamat kami sa Moonton Games sa paglikha ng paraan tungo sa inclusivity sa pamamagitan ng pagsasagawa ng event na ito kasama kami. Sana ang inisyatibong ito ay mag-udyok sa mga babae sa esports na mag-venture sa labas ng kanilang comfort zones at palakasin sila upang ibahagi ang kanilang sariling kwento ng tagumpay," sabi ni Hernandez.

Bukod sa paparating na torneo para sa mga kababaihan, mayroon ding plano ang Silab para sa iba pang oportunidad para sa mga babae sa esports at sa iba pang torneo at posibleng mga workshop at seminar upang magbigay ng kaalaman sa mga kababaihan na nagnanais na maging bahagi ng industriya ng esports at gaming.

"Maraming plano na ating pinaghahandaan. Nais naming magbigay ng focus sa paparating na MWI pero ito ay isang kamangha-manghang launchpad upang ipakilala ang Silab. Ang ating mga plano at pagsisikap ay para sa mga babae, upang bigyan sila ng suporta at exposure na kailangan nila upang matulungan silang maging bahagi ng industriyang ito," sabi ni Wasabi.

Malugod naman tinanggap ng esports body ng bansa, ang PESO, ang partnership upang mas palakasin pa ang popular at patuloy na lumalaking industriya ng esports at gaming sa bansa.

"Masaya kami na ang partnership na ito sa pagitan ng Moonton at Silab ay magbibigay ng kailangang momentum para umunlad pa ang mga kababaihan sa esports. Naniniwala kami na ang esports ay isang magandang paraan upang itulak ang gender equality sa sports at ang collaboration na ito ay magpapainit ng damdamin at mag-iilaw sa ating Esports community sa kabuuan," sabi ni Jab Escutin, PESO Sibol general manager.

Ang Silab: Road to MWI tournament ay magsisimula sa Abril 21 sa mga franchise teams na magtutunggali. Ang open qualifiers naman ay magsisimula sa Abril 28 at 29 at magkakaroon ng kanilang group at knockout stages hanggang sa Mayo 6. Ang top team mula sa franchise qualifier at ang top dalawang teams mula sa open qualifiers, kasama ang direktang imbitadong team na Smart Omega ay maglalaban-laban para sa MWI slot sa Mayo 12.