CLOSE

Myths sa Prebiotics at Probiotics: Doktor Nagsalita Tungkol sa Diarrhea, Weight Loss, at Overdose

0 / 5
Myths sa Prebiotics at Probiotics: Doktor Nagsalita Tungkol sa Diarrhea, Weight Loss, at Overdose

Alamin ang katotohanan sa prebiotics at probiotics: Doktor nagpapaliwanag tungkol sa myths ng Diarrhea, weight loss, at overdose. Iwasan ang common mistakes.

— Alam niyo ba na hindi lang simpleng pag-iwas sa bloating at indigestion ang pag-aalaga ng ating tiyan? Isipin mo na lang, kung ang katawan natin ay kotse, ang digestive system natin ang makina—kailangan ng tamang "fuel" para mag-function nang maayos. Sa tulong ng maayos na digestion, mas nakukuha ng ating katawan ang mga nutrients na kailangan para manatiling malusog. Pero, ano nga ba ang papel ng prebiotics at probiotics dito?

"Marami na talagang studies na nagpapatunay na beneficial ang probiotics sa ating gut health," sabi ni Dr. Joselyn Eusebio, isang eksperto sa Developmental at Behavioral Pediatrics, sa isang interview. Pero, marami pa ring maling akala. Halimbawa, akala ng iba, may overdose daw sa probiotics—pero, ayon kay Dr. Eusebio, wala pa namang sapat na ebidensya tungkol dito. Ang mahalaga, sabi niya, dapat "alive" ang good bacteria para mag-work.

Kapag healthy ang ating tiyan, mas epektibo ang absorption ng nutrients. Ngunit, ayon kay Dr. Eusebio, kailangan natin alamin kung paano gagamitin ang probiotics at prebiotics nang tama. May mga probiotics na kailangan ng tamang temperatura para manatiling buhay, gaya ng yogurt na kailangang palaging naka-refrigerate.

READ: 'Take Care of Your Heart: Tips to Reduce Ultra-Processed Food'

Hindi rin maiiwasan ang pagtanong tungkol sa weight loss. Bagaman walang direktang ebidensya na nagpapakita ng epekto ng probiotics sa weight loss, sinabi ni Dr. Eusebio na may papel ang mga ito sa weight management, lalo na sa mga under-nourished. "Kung kulang ka sa nutrients, maaring makatulong ang probiotics sa pagkakaroon ng balanseng nutrisyon," paliwanag niya.

Importante din aniyang maging maingat sa paggamit ng mga prebiotics lalo na kapag may Diarrhea, dahil maaari itong magdulot ng dehydration at electrolyte imbalance na posibleng maging delikado, lalo na sa mga bata at matatanda. Kaya naman, payo ni Dr. Eusebio, laging kumonsulta sa doktor bago gumamit ng mga ganitong supplements.

Sa kabila ng mga benepisyong ito, paalala ni Dr. Eusebio, anumang sobra ay masama. "Wala pang data na nagsasabing may overdose sa probiotics, pero tandaan na anything in excess ay pwedeng makasama sa katawan," dagdag niya.

READ: Food Myths? Paglilinaw sa Mga Mali-Maling Paniniwala Tungkol sa Pagkain