— Kahit abala bilang "Kapuso Primetime Queen," pinakamatinding role pa rin ni Marian Rivera-Dantes ay pagiging ina.
“Time, please slow down! Hindi pa ako handa na lumaki ang aking mga babies #TimeFlies #CherishEveryMoments,” ani ng aktres sa kanyang mga social media.
Sa ika-50 anibersaryo ng Ceelin, ang “pinagkakatiwalaang immunity partner ng mga nanay para sa kanilang mga anak,” ibinahagi ni Marian ang kanyang mga karanasan bilang ina nina Zia at Sixto.
Matagal nang endorser si Marian ng naturang bitamina at sinisigurado niyang may benepisyo ito sa kalusugan ng mga batang Pilipino. Sa grandeng selebrasyon ng Ceelin sa Unilab Bayanihan Center sa Mandaluyong noong Mayo 17, isang mahalagang usapin ang pinagtuunan ng pansin—kung dapat bang payagan ang mga bata na maglaro sa labas o manatili sa loob ng bahay.
Ayon sa bida ng “My Guardian Angel,”
“OK ako na maglaro sila outdoors. Pero, to be honest, 50-50 ako. Bakit? OK ako sa outdoors kasi alam ko marami silang matututunan. Pero sa weather kasi ngayon, depende pa rin kung lalabas kami. Siguro tayo mga parents, titignan natin kung OK ba etong oras na ‘to lumabas?
“Baka ‘yung anak ko tirik ang araw, gusto maglaro ng basketball. ‘Ah, anak, sandali, baka pwede natin gawin na [at a later time]?’ So very mindful kami mag-asawa sa paglabas sa init lalo na ngayon.
“Syempre maganda pa rin outdoor kasi mga anak ko mahilig mag-swimming, mag-basketball, mag-football, mag-rugby.
“Pero just in case lang na hindi pwede lumabas dahil sa weather, mahilig kasi kami mag crafts ng mga anak ko. So hindi ako naniniwala na hindi matututo ang bata sa loob ng bahay. Kung maabilidad kang magulang, kaya mong maging posible sa loob ng bahay.
“So, ganu'n kami. Nagka-crafts kami tatlo. So may idea sila na, ‘Mama, let’s do like this. Let’s do like that.’ O sige, game tayo. Sa pagka-craft namin, pati ako kasali dun. Mag-e-explain kami bakit ganun ang ginawa namin. So natututo kaming tatlo.”
RELATED: Marian Rivera Hinihikayat ang mga Magulang na Dalhin Regular ang mga Anak sa Dentista