— Paramihan na nang parami ang mga kabataang propesyonal na tumatalima sa mas malusog at responsableng pamumuhay ngayon. Dahil sa maagang pagsabak sa trabaho para suportahan ang pamilya, hindi na sayang-sayang pera at panahon sa mamahaling pagkain—kundi pipiliin ang mas mura at masustansyang mga pagkain na kaya nilang ihanda.
Ang Telus International Philippines (TIP), isang nangungunang digital customer experience innovator, ay patuloy na nagpo-promote ng healthy lifestyle choices para matulungan ang kanilang mga team member sa pagkamit ng personal na layunin. Isang paraan nila ay ang pagtuturo ng meal prepping sa bahay.
Sa isang kamakailang cooking demo at workshop, nagbahagi si Beatrix Mercado, isang rehistradong nutrisyunista at dietitian, ng kahalagahan ng paghahanda ng balanced at nutrition-specific meals. "Game-changer ito para sa mga Customer Experience professionals na naghahanap ng healthier meals at sustained productivity," aniya.
Kasama rin sa event si Chef Fia Batua-Mambuay mula sa Doctor Diet Manila, na nagpakita ng hands-on demonstrations sa proper portioning at techniques para sa mas masarap at masustansyang baon sa trabaho.
Naiintindihan ng TIP na mahirap mag-maintain ng healthy lifestyle lalo na sa mga busy work schedules, lalo na sa mga night shift o hybrid work setups. Sa meal prepping, madaling ma-access ng team members ang nutritious at affordable meals. Mayroon ding 24/7 subsidized pantries na nag-aalok ng healthy meals sa mas mababang halaga. Sa ganitong paraan, nababawasan o tuluyan nang nawawala ang pangangailangan sa fast-food o unhealthy snacks.
Bukod sa sustento, ang kasiyahan sa pagluluto at paghahanda ng pagkain ay pumapatong din sa passion points at skills. Kaya't nagiging creative ang TIP sa pagbuo ng training courses, special interest groups, at iba pang workshops kasama ang nutrition at culinary partners. May mga grupo tulad ng Kitchen Club at mga upskilling sessions sa Telus International University (TIU), kung saan puwedeng matuto ng bagong skills o mag-aral ng degree kasama ang mga partner academic institutions.
Ang commitment ng kumpanya sa kalusugan ng mga team members ay nagreresulta sa mas malusog at produktibong workforce. Para kay David Moya, isang Gen Z team member, ang meal prepping ay nagdudulot ng mas mataas na energy levels at focus sa trabaho, na nagpapaangat sa kanyang performance.
Ayon kay Carlos Giammattei, Senior Director para sa Brand, Marketing, at Culture ng TIP, "Ang mga initiatives at programs namin ay naglalayong ilabas ang best sa aming team members batay sa kanilang passions at interests. Ang well-being ng workforce ay integral na bahagi ng aming identity."
May iba’t-ibang health and wellness programs ang TIP na catered sa iba't ibang preferences—mula personalized fitness plans, mental health support, hanggang education at special interest groups. Ang flexibility na ito ay nagbibigay-daan sa mga team members na i-align ang kanilang health goals sa kanilang individual preferences, kaya't mas malamang na tumagal ang kanilang commitment.
Dagdag pa ni Giammattei, "Ang mga enrolled sa TIU ay patuloy na nakikinabang sa access sa quality education, mula degree courses hanggang short courses sa iba't-ibang interes tulad ng design, management, coding, at culinary arts." Ang benepisyong ito ay maaring extend sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa kabuuan, ang TIP ay hindi lamang nagpo-prioritize ng well-being ng kanilang team members, kundi aktibong binubuo ang isang empowered workforce na naka-align sa evolving needs ng kanilang mga tao. Ang pag-kultivate ng healthy habits ay susi sa pagkakaroon ng healthy at highly productive workforce.
READ: Food Myths? Paglilinaw sa Mga Mali-Maling Paniniwala Tungkol sa Pagkain