— Ang pansit-pansitan, kilala rin bilang ulasimang bato, ay isang halamang gamot na may scientific name na Peperomia pellucida at tinatawag sa Ingles na Shiny Bush.
Meron itong mga makintab at hugis-pusong dahon at succulent stems na may maliliit na bulaklak sa spike. Tumutubo ito halos kahit saan, lalo na sa bahagyang may lilim at mamasa-masang lugar. Dahil sa pagiging karaniwan nito, kadalasang hindi pinapansin ng mga tao.
Pero ang totoo, matagal nang kilala ang pansit-pansitan bilang medicinal herb na ginagamit sa tradisyonal na medisina para gamutin ang gout at rheumatic pains. Kumuha lang ng ilang dahon at stems, hugasan, ihalo sa salad veggies, at kainin bilang salad. Pwede rin itong gawing decoction sa pamamagitan ng pagpapakulo ng pansit-pansitan sa tubig (isang parte ng dahon at stems: dalawang parte ng tubig), palamigin ang tea, at uminom ng isang tasa sa umaga at isang tasa sa gabi.
READ: Benepisyo ng Pipino at Okra sa Katawan
Ginagamit din ang pansit-pansitan sa paggamot ng iba't ibang kondisyon tulad ng sakit ng ulo, pananakit ng tiyan at kidney problems, skin disorders (pimples, boils, abscesses), at arthritis.
Parang sobrang ganda para maging totoo? Hindi naman, dahil sa loob ng maraming siglo, itinuturing itong halamang gamot na may anti-inflammatory, analgesic, antibacterial, antifungal, at anti-cancer properties. Ang significant na epekto nito sa paggamot ng gout at rheumatic conditions ay kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH). Kasama pa nga ng DOH ang ulasimang bato o pansit-pansitan sa sampung halamang gamot na kanilang inirerekomenda, kasama ang bawang (garlic), lagundi, akapulko, bayabas (guava), ampalaya (bittergourd), niyog-niyogan, sambong, yerba buena, at tsaang gubat.
Kaya next time na makakita ka ng pansit-pansitan na tumutubo sa bahagyang may lilim at mamasa-masang bahagi ng iyong garden, baka dapat mo na itong bigyan ng pansin.
READ: The impact of nature on mental health and stress reduction