Narito ang simpleng resipe na maaari mong sundan para sa masarap na afternoon snack.
U.S. Fries: Vibrant Veggie Crisps
SANGKAP:
Para sa fries:
250 grams U.S. Potato Shoestring Fries
110 grams asparagus spears (mga 6 piraso)
160 grams saging na saba (mga 2 piraso, balat na tinanggal)
Asin at paminta
Korean chili powder o flakes
Vegetable oil para sa pagprito
Goma o sesame dressing o anumang dip na gusto
Spring onions (opsyonal)
Para sa batter:
100 grams Instant Breading Mix (mga 1 cup)
250 ml. malamig na tubig (1 cup)
Para sa dredging:
1/2 tasa Instant Breading Mix o All-Purpose Flour
PAANO GAWIN:
1. Haluin ang instant breading mix at malamig na tubig. Para sa fries, maaari kang magdagdag ng Korean chili powder para sa anghang.
2. Hiwain ang asparagus spears sa tatlo at lagyan ng asin at paminta.
3. Hiwain ang saging na saba ng parehong sukat at haba ng shoestring fries.
4. Ibabad ang mga ito sa breading mix.
5. Painitin ang mantika. Ibabad ang asparagus at saging sa batter at iprito sa 325°F hanggang maging crispy.
6. Iprito ang shoestring fries hanggang maging golden.
7. Ihain kasama ang iyong paboritong dip.