— Nakakaramdam ng pagod pagkatapos ng Zoom meetings? Ayon sa isang bagong pag-aaral, maaaring sanhi ito ng virtual background na ginagamit mo—at mukhang mas okay kung nature-themed!
Simula nang pumutok ang COVID pandemic, naging normal na ang video calls para sa trabaho, online school, o kahit simpleng kamustahan. Pero habang dumadami ang oras sa harap ng screen, lumalabas ang tinatawag na “videoconference fatigue”—isang combo ng pisikal, emosyonal, at mental na pagod.
Alam mo ba, bukod sa usual suspects gaya ng mabagal na connection o anxiety sa sarili habang nasa screen, nadiskubre ng dalawang researchers sa Singapore na may epekto rin pala ang background mo sa Zoom fatigue mo? Oo, hindi lang palamuti ang virtual background mo—may dating ito sa kung paano mo iniisip ang sarili mo at kung paano ka tinitingnan ng iba!
Ayon kay Heng Zhang mula Nanyang Technological University, imbes na sa kausap naka-focus, madalas na sa sarili tumitingin ang mga tao sa videoconferencing. At ang pagpili ng background ay parang pagpili ng bagong damit—may epekto ito sa perception mo sa sarili mo.
Noong 2023, nagsurvey sila ng 610 Singaporean Zoom users, at pinatiktik ang mga background na ginagamit nila. Kabilang sa mga tanong ang kanilang level ng pagod—visual, social, at emotional. Lumabas na ang mga gumagamit ng gumagalaw na background (tulad ng beach waves) ay mas mabilis mapagod. Kasi naman, sabi ng study, sobrang dami ng info na pinoproseso ng utak nila.
Ang mga blurred backgrounds? Mas mataas din ang fatigue levels ng mga gumagamit nito. Sa kabilang banda, ang mga gumagamit ng nature backgrounds gaya ng forests, mountains, o beaches, ay mas relax at hindi gaano napapagod. Ideal daw ito lalo na sa work meetings—balanse ng comfort at professionalism, ayon sa study.
So next time na mapagod ka sa Zoom, i-try mo kaya magpalit ng background—baka bundok o beach ang kailangan mo para ma-refresh!