Filipina tennis sensation Alex Eala ay nabigo sa quarterfinals ng W100 Cary tournament sa North Carolina matapos matalo sa isang intense na three-set laban kontra kay Renata Zarazua ng Mexico, 3-6, 6-4, 6-3, nitong Biyernes ng umaga (Manila time).
Halos tatlong oras ang kinailangan para tapusin ang laban na umabot ng 2 hours and 48 minutes. Matapos masungkit ang unang set sa score na 6-3, mukhang on track na si Eala para sa panalo. Umabante siya ng 4-2 sa second set pero hindi nagpatalo si Zarazua. Bumawi ang Mexicana at nanalo sa susunod na apat na games para dalhin ang laban sa third set.
Sa deciding set, lumamang agad si Zarazua ng 3-0. Kahit nakahabol si Eala at naging 3-4 ang score, hindi na pinakawalan ng 26-anyos na Mexicana ang laro at tuluyang kinuha ang pwesto sa semifinals.
Sunod-sunod na ngang quarterfinal exit ang naranasan ng 19-anyos na si Eala. Ilang araw lang ang nakalipas, out rin siya sa final eight ng W100 Landisville.
READ: Alex Eala Nagningning sa Espanya, Nakamit ang Kampeonato sa Singles at Doubles sa Loob ng 24 Oras