Gilas Pilipinas, Di Magpapakampante vs. Hong Kong

0 / 5
Gilas Pilipinas, Di Magpapakampante vs. Hong Kong

Kahit dehado ang Hong Kong (0-3), all-business pa rin ang Gilas (3-0) sa kanilang FIBA Asia Cup Qualifiers game ngayong gabi sa MOA Arena.

— "Walang kampihan, trabaho lang."
Ito ang mantra ng Gilas Pilipinas ngayong gabi sa kanilang salpukan kontra Hong Kong (0-3) sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Mall of Asia Arena. Bagama’t walang panalo ang kalaban at kulelat sa ranking, wala sa bokabularyo ng tropa ni coach Tim Cone ang “relax.”

Kasado na ang Nationals, na kasalukuyang undefeated (3-0) matapos ang kanilang makasaysayang 93-89 na panalo laban sa No. 22 world-ranked New Zealand noong Huwebes. Ngayon, isang panalo pa at diretso na sila sa 2025 FIBA Asia Cup sa Jeddah.

“Hindi madalas na magkasama ang team, kaya bawat laro ay oportunidad para mag-improve,” ani Cone, na nagsusulong ng apat-na-taong programa para maabot ang 2028 LA Olympics. “Hindi mahalaga kung sino ang kalaban—ang goal namin ay tuloy-tuloy na magpalakas sa chemistry, execution, at disiplina.”

Ngayong gabi, sila naman ang favorite kontra sa No. 117 Hong Kong, na tambak nang talunin ng Chinese Taipei (85-55) noong Huwebes. Sa una nilang paghaharap noong Pebrero, pinulbos ng Gilas ang parehong koponan sa Tsuen Wan, 94-64.

Mas Lalim na Rotation, Pagkakataon Para sa Kabataan
Ayon kay Cone, posibleng magkaroon ng mas mahabang playing time sina Kevin Quiambao at Mason Amos, na hindi nakapaglaro kontra New Zealand. “Hindi pwedeng mag-relax. Ang bawat minuto ay mahalaga para sa development ng team.”

Kung magtatagumpay ngayong gabi, secured na ang spot ng Gilas sa FIBA Asia Cup, kahit may natitirang dalawang laro pa sa qualifiers sa Pebrero—laban sa Chinese Taipei at muling pakikipagtuos sa Tall Blacks.

Huwag palampasin ang sagupaan ngayong alas-7:30 ng gabi. Alab Pilipinas!

READ: Brownlee: Kai Sotto is NBA-Ready!