Paano Pinalaki ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales sina Andres at Atasha na Mapagpakumbaba

0 / 5
Paano Pinalaki ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales sina Andres at Atasha na Mapagpakumbaba

Aga Muhlach at Charlene Gonzales, ibinahagi kung paano nila pinalaki sina Atasha at Andres na may mapagpakumbabang kalooban kahit sa kabila ng karangyaan.

— Ibinahagi ni Aga Muhlach kung paano nila ni Charlene Gonzales pinalaki sina Atasha at Andres na mapagkumbaba sa kabila ng kanilang yaman at edukasyon sa ibang bansa.

Sa panayam kay Cristy Fermin ngayong umaga sa kanyang radio program, tinanong si Aga kung paano nila napanatiling simple at mababa ang loob nina Atasha at Andres.

"Siguro, dahil sa pagmamahalan talaga," ani Aga.

"Simula pa lang sa industryang ito, hindi talaga ako naging mayabang, kaya't itinuro ko rin sa kanila na hindi pwede ang magmayabang. Maraming utang na loob, at malaking pasasalamat ko sa industriya. Grateful talaga ako sa lahat ng sumuporta, pati na sa pamilya ko. Wala kami dito kung wala ang suporta niyo," dagdag niya.

Ayon sa kanya, kahit may dumadating na negatibo, pinipilit niyang manatiling kalmado at maging mabuting halimbawa.

"Kahit may mga balitang hindi maganda, hindi ako nagmumura. Hangga't maaari, iniiwasan kong gumawa ng hindi maganda. Nakasanayan ko na lang ito."

Mapapanood ang sitcom na "Da Pers Family," kasama ang buong pamilya Muhlach, tuwing Linggo, simula Hulyo 21, 7:15 p.m. sa TV5, at may catch-up airings sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 p.m.

Muling magsasama-sama sina Aga at Charlene kasama sina Bayani Agbayani at Roderick Paulate, sa direksyon ni Danni Caparas na dating director ng "Oki Doki Dok."

RELATED: Atasha, Andres Muhlach: Aga at Charlene, Hindi Stage Parents