– World No. 1 Iga Swiatek, fresh mula sa tatlong taong partnership, naghiwalay sa kanyang coach. Samantala, sina Naomi Osaka at Coco Gauff, parehong may bagong kasama sa China Open.
Sa loob lang ng isang buwan, tatlo sa mga pinakamalalaking pangalan sa women's tennis ay nagpaalam sa kanilang mga coaches, pinapakita ang napaka-komplikadong relasyon sa pagitan ng mga manlalaro at ang kanilang mga coach.
Si Swiatek ang pinakahuling nag-anunsyo ng pagbabago, noong nakaraang Biyernes nang sinabi niyang hindi na siya magtutuloy kay Tomasz Wiktorowski pagkatapos ng matagumpay nilang pagsasama. Bagama’t hindi sinabi ni Swiatek ang rason, ang kanyang anyo ay tila humina matapos niyang magtagumpay sa French Open noong Hunyo.
Hindi ipinagtanggol ni Swiatek ang kanyang titulo sa China Open, at kasalukuyan siyang naghahanap ng bagong coach. Usap-usapan na si Wim Fissette, na dati namang coach ni Osaka, ay maaaring makasama ni Swiatek sa hinaharap.
Sa China Open naman, mabilis na nagbunga ng panalo para kay Gauff ang pagpasok ng bagong coach na si Matt Daly. Matapos ang kanilang split ni Brad Gilbert, si Daly na dati ring nagturo kay Denis Shapovalov, ay bumuo ng bagong kombinasyon kasama ang longtime coach ni Gauff, si Jean-Christophe Faurel.
Para kay Gauff, mahalaga ang bagong simula. “Reset lang ang kailangan ko," ani niya, matapos ang kanyang hindi gaanong magandang pagtatapos sa US Open. Ang kanyang panalo sa Beijing ay tinawag niyang “pinakamagandang laro ko sa ilang buwan.”
Si Osaka, sa kabilang banda, ay bumalik mula sa pagkaparent nitong Enero at may bago ring timpla sa kanyang team—si Patrick Mouratoglou, dating coach ni Serena Williams. Bagama’t naiilang pa kay Mouratoglou dahil sa “big personality” nito, natututo siyang maging komportable araw-araw. “Strict siya pero effective, bagay yun sa akin,” ani ni Osaka.
Para kay Karolina Muchova, mahalaga rin ang pagkakaroon ng magaan na relasyon sa coach. “Para silang second family ko, we travel and spend so much time together. Gusto ko yung open kaming mag-usap, pati sa mga simpleng bagay.”
READ: Osaka, 'Di Makakasali sa Japan Open Cause of Back Injury'