Irving Lumamang kay Edwards, Mavs Tinalo ang Wolves sa Mainit na Rematch

0 / 5
Irving Lumamang kay Edwards, Mavs Tinalo ang Wolves sa Mainit na Rematch

Kyrie Irving nagpasiklab ng 35 puntos, pinangunahan ang Mavs sa 120-114 panalo kontra Wolves. Kinapos ang comeback ni Edwards na nagtala ng 37 puntos.

— Sa isa na namang matinding bakbakan, kumana ng 35 puntos si Kyrie Irving para sa Dallas Mavericks, na tuluyang nanaig sa rematch laban sa Minnesota Timberwolves, 120-114, nitong Martes (Miyerkules oras sa Pilipinas).

Todo hataw si Anthony Edwards, nagpakitang-gilas agad sa first quarter pa lang, binuhos ang 24 puntos at anim na tres na nagpataas sa Wolves ng 34-26 lead. Pero hindi nagpaawat ang Dallas at bumalikwas, binomba ang Wolves sa second quarter sa score na 35-25, kaya’t nagka-61-59 lead ang Mavs bago ang halftime.

Pagpasok ng third quarter, naging showtime na ni Irving, na kumamada ng 16 puntos at nagbigay sa Mavs ng solidong 93-82 lead papasok ng fourth. Kahit nakadikit ang Wolves hanggang two points na lang ang agwat, isang clutch 3 mula kay Luka Doncic at siyam na puntos ni Irving ang tumapos sa laro.

“Alam namin na personal ang laban na ‘to, mataas ang emosyon," ani Irving matapos ang panalo. "Grateful lang talaga kami na nakuha ang dub (win)."

Nagtapos si Irving na nangunguna sa scoring ng Dallas habang nag-ambag naman si Doncic ng 24 puntos, at sina P.J. Washington at Daniel Gafford ay may 17 at 14 puntos. Sa Minnesota naman, nanguna si Edwards sa 37 puntos at si Julius Randle ay nag-contribute ng 20.

Samantala, nagmarka rin si Nikola Jokic ng kanyang ika-150 triple double, tumapos ng 29 puntos, 18 rebounds, at 16 assists para itaguyod ang Denver Nuggets sa overtime win kontra Brooklyn Nets, 144-139.

READ: Pacers Nagwagi sa Celtics sa OT; Cavs Tinalo ang Lakers sa James Family Return