Back-to-back champions National U, hindi pinalagpas ang Emilio Aguinaldo College, tinambakan sila sa score na 25-15, 25-7, 25-13, sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Si Arah Panique, umangat na may 10 points, habang sina Bella Belen, two-time UAAP MVP, at Alyssa Solomon, two-time SSL MVP, nagdagdag ng tig-7 puntos sa mabilisang panalo ng Lady Bulldogs na tumagal ng 77 minutes.
Nakuha ng Lady Bulldogs ang top spot sa Pool A kasama ang Arellano (2-0), at mas pinapalapit na nila ang sarili sa quarterfinals para sa kanilang three-peat bid.
"Yung challenge ngayon, marami pa kaming errors kaya kailangan pang i-improve ang kulang,” ani Panique, miyembro ng Alas Pilipinas.