—Sa kabila ng fast-paced na mundo ngayon, pinaliwanag ni Heart Evangelista na hindi kailangan magmadali sa pagpapatayo ng dream home. Sa event ng RLC Residences, nagbigay siya ng mga payo para sa mga baguhang nagsisimula sa kanilang home journey.
"Una sa lahat, 'wag mo i-pressure ang sarili mo. Mahirap 'yan, pero unti-unti lang. Health is wealth, focus ka muna diyan. Darating din 'yan," ani Heart, na siyang nagbigay ng inspirasyon sa mga dumalo sa Le Pont Media Showcase at Showroom Opening.
Idinagdag pa niya na hindi dapat ma-pressure sa mga nakikita sa social media. "It's all about building your collection. Hindi mo kailangan magmadali, kasi sa RLC, naka-set up na ang mga essentials—mga ilaw, banyo, pati drainage, perfect na,” sabi niya habang tinutukoy ang features ng RLC Residences.
Ayon kay Heart, bawat piraso ng bahay ay dapat may kasamang kwento. “Hindi kailangang magmukhang maganda agad-agad. Ang aspirational life, hindi instant. Iyon din ang bahay mo. So, focus ka lang sa storya, 'wag sa hitsura.”
Samantala, ipinakita ng RLC Residences ang kanilang pangalawang tower ng Le Pont Residences, isang high-rise na matatagpuan sa 31-hectare Bridgetowne Destination Estate sa Pasig City. Sa kabila ng mabilis na appreciation ng halaga ng unang tower, ipinagmamalaki ng mga taga-RLC ang kanilang bagong offering na may iba't ibang unit options, mula one-bedroom hanggang four-bedroom units, para sa mga naghahanap ng ideal na tahanan.
"Within just one year and six months, tumaas na ng 8% ang net value ng unang tower," ayon kay John Richard Sotelo, Senior Vice President ng RLC Residences. "Ito ang pinakamabilis na mabenta na property sa area simula nang i-launch namin ito."
Sa bawat hakbang na ginagawa mo patungo sa pangarap mong tahanan, tandaan ang mga payo ni Heart: 'Wag masyadong ma-stress, at hayaan mong bawat bahagi ng bahay mo ay may sariling kwento.
READ: Home allergies persisting? Mold sa Pader at Kisame!