— Nakakatuwa talaga panoorin ang mga chikiting na suot ang kanilang helmets at pads, habang lumalahok sa Push Bike Kid’s Race na ginanap sa Iloilo noong Hulyo 28, 2024. Isa itong bagong sport na pausbong sa Pilipinas, kung saan ang mga bata mula edad 2 hanggang 8 ay natututo ng tamang balance at fitness habang nag-eenjoy sa friendly na kompetisyon.
Ang push biking, o mas kilala bilang balance bike racing, ay walang pedal—ang mga batang riders ay gumagamit ng kanilang mga paa para magmaneho sa winding track na ang haba ay nakadepende sa age category. Sabi nga ni Cristalle Belo-Pitt, spokesperson ng Kick2Pedal, "Ito ang perfect na paraan para turuan ang mga bata ng importanteng life skills tulad ng balance, coordination, at disiplina habang bata pa sila."
Isa itong magandang simula para sa mga magulang na gustong ipakilala ang sports sa murang edad ng kanilang mga anak. Bago pa man matutong mag-bike gamit ang mga pedal, ang mga bata ay ready na to level up. Sabi pa ni Belo-Pitt, "Sa sobrang bata, pwedeng-pwede na silang magparticipate on their own, kahit mga two years old pa lang." Dagdag pa niya, "In a world na laging online, importante talaga na ma-develop ng mga bata ang love for the outdoors. Push biking ang swak na activity para doon—healthy, fun, at bonding time pa ng buong pamilya."
Ang mga bikes na ginagamit dito ay madalas 90cm ang haba at 52cm ang taas, na may adjustable seats para ma-fit sa sukat ng riders. Ang bawat track ay umaabot ng 250 metro para sa mga 2-3 taon, at hanggang 400-600 metro naman para sa mas matanda. At siyempre, safety first! Ang mga riders ay required na magsuot ng helmets at pads.
Nagsimula ang push biking sa Pilipinas noong 2018 sa Metro Manila, kung saan ang National Bike Organization ay nag-promote nito bilang parte ng kanilang lessons program. Di nagtagal, nagkaroon ito ng dedicated kids’ version sa ilalim ng Philippine Balance Bike Racing, na pinamumunuan nina Benedict at Marie Camara. At mas lalo pang lumalawak ang sport na ito sa tulong ng mga groups tulad ng KC46 mula Cebu at Kick2Pedal, na nag-oorganize ng mga races at nagseset-up ng bike academies para mas maraming batang Pinoy ang makapag-try nito.
Mula 2018, higit 300 push bike races na ang naganap sa bansa. Wala pa mang international federation, malakas na itong sumikat sa Asia, lalo na sa China, Japan, at mga karatig-bansa tulad ng Thailand at Indonesia. Sa dami ng mga batang nakikisali, umaabot ng 1,000 participants ang mga international races. Abangan ang "National Push Bike Race" na gaganapin sa Quirino Grandstand ngayong Sabado, at supportahan ang mga future Filipino biking champions!