Rafa Nadal Bids Farewell: Tributes Pour in for a Legend

0 / 5
Rafa Nadal Bids Farewell: Tributes Pour in for a Legend

Rafael Nadal bids farewell sa tennis; Serena Williams at sports icons nagpapugay sa legacy ng 22-time Grand Slam champ. Emosyonal na pag-alis sa Davis Cup.

—Sa Palacio de Deportes José María Martín Carpena sa Málaga, Spain, isang emosyonal na Rafael Nadal ang nagbigay-galang sa mga tagahanga matapos ang kanyang huling laban sa Davis Cup Finals. Natalo si Nadal, 38, laban kay Botic van de Zandschulp ng Netherlands, 6-4, 6-4, dahilan upang ma-eliminate ang Spain.

Para kay Serena Williams, isang karangalan ang maging saksi sa mahigit dalawang dekadang karera ni Nadal, na naghatid ng 22 Grand Slam titles. Sa Instagram, nagbahagi si Williams ng mensahe:

“Congrats sa isang career na hindi lahat kayang pangarapin. You pushed me to play harder, fight more, and win. Walang excuses, just play. Long live Rafa!”

Hindi rin napigilan ni Carlos Alcaraz, kapwa miyembro ng Spain Davis Cup team, na magbigay-pugay:
“Idolo ka mula pagkabata, at teammate ka ngayon—isang tunay na biyaya.”

Maging si tennis legend Rod Laver ay nagpasalamat kay Nadal, tinawag siyang "standard of excellence" para sa mga susunod na henerasyon. Si Boris Becker, sa isang emosyonal na post, isinulat:
“Rafa, ikaw ay isang role model. Walang papantay sa’yo. Salamat, champ!”

Nagbigay din ng suporta sina Coco Gauff, Iga Swiatek, at iba pang tennis stars, na nagpahayag ng kanilang paghanga at pagmamahal sa “Hari ng Clay.”

Sa pagtatapos ng isang napakakulay na karera, ang legacy ni Rafael Nadal ay mananatili bilang inspirasyon para sa mga atleta sa buong mundo.

READ: “Salamat, Tennis!”: Nadal nag-retiro na