— Pinakamataas sa world rankings si Jannik Sinner, pero inamin niya noong Biyernes na hindi siya "kampante" sa kabila ng patuloy na kontrobersya sa kanyang doping case. Gayunpaman, handa pa rin daw siya para sa Shanghai Masters.
Noong nakaraang linggo, nag-anunsyo ang World Anti-Doping Agency (WADA) na iaapela nila ang desisyon ng tennis authorities na pawalang-sala ang Italian tennis star matapos siyang dalawang beses magpositibo sa isang steroid noong Marso.
Bagamat matindi ang kontrobersya, nalampasan ito ng 23-anyos at umabot pa sa finals ng China Open sa Beijing nitong Miyerkules.