— Pag bumuhos na ang ulan, dapat buhos din ang lahat ng nutrisyon at proteksyon na kailangan ng pamilya mo. Lalo na't flu season na at parating na rin ang tag-ulan, importanteng palakasin ang kalusugan at immunity ng mga mahal mo sa buhay.
Bakit mo pa hihintayin magkasakit sila, kung pwede mo namang iwasan? Heto na ang limang tips para palakasin ang depensa ng pamilya ngayong flu season.
Tip #1: Ugaliin ang Handwashing
Kung may isang bagay tayong natutunan noong pandemya, ito yung madalas na paghuhugas ng kamay. Isa ito sa pinaka-healthy na habit na pwede nating buuin. Pero hindi lang dapat madalas, dapat tama rin! Maghugas gamit ang sabon ng at least 20 seconds. At kahit malinis na ang kamay, iwasan pa rin hawakan ang mukha—lalo na ang ilong, mata, at bibig.
Paalalahanan din ang mga bata, lalo na pagbalik nila sa eskwela. Pwede mo pa silang lagyan ng maliit na bote ng sabon sa hygiene kit nila para masanay.
Tip #2: Linis Dapat Lagi – ABC (Always Be Clean)
Sa bawat sulok, nariyan ang viruses at bacteria—madalas sa mga lugar na hinahawakan natin gaya ng doorknobs, switches, at countertops. Kaya lagi dapat linis at disinfect!
Pero paano ang mga lugar na hindi natin kontrolado, gaya ng eskwelahan? Bilang responsableng magulang, pwede mong itanong sa school administration kung paano nila sinisiguro ang kalinisan at kaligtasan ng school grounds.
Tip #3: Iwas sa Mataong Lugar
Mabilis kumalat ang flu at virus sa mga saradong espasyo na maraming tao. Kaya kung pwede, iwas-iwas muna sa mga mataong lugar. Kung hindi maiiwasan, pwede pa ring magsuot ng face mask, lalo na sa ospital.
Mas maganda pa rin kung sa open air spaces o park gagawin ang mga family activities. Bonus pa ang vitamin D mula sa araw at natural air circulation na nakakapigil ng pagkalat ng virus.
Tip #4: Stay Fit, Stay Healthy
Ang pagiging fit ay hindi lang para sa katawan o itsura. Importante ito para maging handa ang katawan sa laban kontra sakit.
Tiyakin na sapat ang tulog—7 to 8 oras para sa matatanda, at 9 to 11 oras para sa mga bata. Mag-ehersisyo din ng regular. Ipa-bonding mo ang mga kids sa labas para hindi puro gadgets ang hawak. Huwag ding kalimutan ang tamang hydration!
Tip #5: Palakasin ang Immunity
Sa huli, ang pinaka-importante pa rin na depensa ay ang immunity. Kaya bigyan natin ang pamilya ng tamang nutrisyon, lalo na ang mga prutas at gulay.
Pwede ring i-supplement ng vitamins A at C, na makikita sa fortified milks gaya ng Birch Tree Fortified. Ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong ang vitamins A at C sa normal na function ng immune system, kaya’t importanteng bahagi ito ng diet ng pamilya.
READ: Ulan at Trangkaso: Tips para Maka-iwas sa Sakit ngayong Tag-ulan