Ang Immunity Gap at Paano Maaaring Protektahan ang Ating mga Bata

0 / 5
Ang Immunity Gap at Paano Maaaring Protektahan ang Ating mga Bata

Paano palakasin ang immunity ng bata? Alamin ang mga hakbang para maprotektahan sila mula sa immunity gap post-pandemic.

— Dahil sa limitadong exposure sa mga virus sa panahon ng pandemya, maraming bata ang nagkaroon ng tinatawag na "immunity gap." Ibig sabihin, mas mababa ang kanilang panlaban sa mga impeksyon ngayon kumpara noon. Ang immunity na nakukuha sa exposure sa karaniwang mga virus, tulad ng trangkaso, ay nakatulong sana para mas protektado sila sa mga susunod na taon. Ngunit ngayon, dahil sa isolation at pagkakaroon ng immunity gap, ang mga bata ay mas malamang na maging vulnerable sa mga sakit.

Sa katunayan, ipinakita ng isang Norwegian study mula 2019 hanggang 2023 na sa kawalan ng exposure sa flu virus, mas nagiging susceptible ang mga bata sa trangkaso. Dahil dito, mas pinaiigting ng World Health Organization (WHO) ang paghimok sa mga magulang na siguraduhing kumpleto ang bakuna ng mga anak upang mapunan ang immunity gap na ito.

Ang immunity gap o "immunity debt" ay isang hamon ngayon para sa mga magulang. Narito ang ilang mga hakbang upang matulungan ang inyong anak na makabangon mula sa immunity gap:

Kumpletuhin ang mga Bakuna at Boosters
Tiyaking updated ang mga anak sa mga bakuna laban sa iba't ibang sakit. Mahalaga rin ang boosters para mapanatili ang kanilang immunity laban sa mas malalang impeksyon. Regular na magpa-check-up sa inyong health center o pediatrician para sa gabay at schedule ng bakuna.

Bigyang-Pansin ang Nutrisyon
Tiyakin na masustansya ang pagkain ng bata. Ayon sa 2022 Philippine National Demographic and Health Survey, maraming bata ang kulang sa tamang nutrisyon dahil sa unhealthy feeding practices. Ang balanseng pagkain, kasama ang prutas, gulay, whole grains, at protein, ay mahalaga upang mapatatag ang immune system.

Tamang Tulog
Ang sapat na tulog ay mahalaga para sa immune health. Ang mga bata ay kailangang magkaroon ng sapat na tulog araw-araw ayon sa kanilang edad:

  • 3-5 taon: 10-13 oras
  • 6-11 taon: 9-11 oras
    Ang consistent na sleep routine ay nakakatulong para sa pangkalahatang kalusugan at paglaki.

Pag-ehersisyo Araw-Araw
Tulad ng sabi ng WHO, ang mga bata ay dapat magkaroon ng 60 minutong physical activity araw-araw. Bukod sa pampalakas ng katawan, nakakatulong din ito sa kanilang mood at energy levels.

Dagdag na Vitamin C at Zinc
Minsan, kahit sapat na ang nutrisyon, mas mainam pa rin na may vitamin supplements para mapunan ang mga kakulangan. Ang Vitamin C at Zinc ay nakatutulong sa immunity at mas pinapaiksi ang tagal ng mga sintomas ng sipon. Ang Ceelin® Plus na may ZincPlus® Technology ay makatutulong sa paglaban sa immunity gap sa mas ligtas at epektibong paraan.

Ihanda ang mga Bata sa Epektibong Proteksyon Laban sa Sakit

Sa mga panahong puno ng mga bagong hamon, mahalaga ang maagap na aksyon para sa kalusugan ng ating mga anak. Sa pagkakaroon ng tamang bakuna, nutrisyon, at regular na ehersisyo, matutulungan nating maging matatag ang kanilang immune system laban sa anumang banta ng sakit.

READ: Ang Mahalagang Papel ng Immune System at Zinc sa Kalusugan ng Mga Bata