— Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang unang mpox case na nai-report ngayong taon sa Pilipinas ay isang mild variant at hindi yung nakamamatay na strain na kinakaalarma sa buong mundo, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Miyerkules.
Ang highly transmissible Clade 1b strain ng virus ay pumatay ng daan-daang tao sa Democratic Republic of Congo at nadetect din sa mga bansang Burundi, Kenya, Rwanda, Uganda, at Sweden.
“Luma na ‘tong variant,” sabi ni Herbosa patungkol sa virus na tumama sa isang 33-year-old Pinoy na lalaki, na tinutukoy ang mild Clade 2 variant.
"Hindi ito kasing delikado ng Clade 1b," dagdag niya.
Wala raw travel history ang pasyente at "nakaconfine" pa rin sa ospital.
“Para sa amin mga doktor, ibig sabihin nito na umiikot na ang virus sa komunidad,” ani Herbosa.
Noong 2022 at 2023, siyam na mpox cases ang nai-report sa Pilipinas, at ang huling kaso ay noong Disyembre pa.
Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mga health officials na patuloy na imonitor ang mga lugar at mga taong vulnerable sa virus.
READ: DOH Task Force Laban sa Mpox, Binubuo ng Mga Eksperto