— Matindi na naman ang bakbakan as Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans magsasalpukan ngayong araw sa PVL Reinforced Conference sa MOA Arena.
Sigurado na ang Creamline sa quarterfinals, bitbit ang 4-2 record at isang malupit na tiebreaker. Pero ang Choco Mucho, na mas bata nilang kapatid, ay nasa alanganin na may 2-4 standing. Kailangan nilang manalo sa 5 p.m. match para makapasok sa top 8, kundi ay bye-bye sa playoffs!
Samantalang sina Creamline, Akari (7-0), Cignal (6-1), at PLDT (5-1) ay pasok na, si Choco Mucho ay nagpupumilit kasama ang Chery Tiggo (4-2), Capital1 (4-3), Petro Gazz (3-3), at Farm Fresh (3-4) para sa natitirang slots.
READ: Michelle Cobb, Naiiyak sa Akari's Unbeaten Run sa PVL: "Lahat ng Hirap Worth It"