— Tumaas ang inflation rate ng bansa sa 3.9% noong Mayo 2024, mula sa 3.8% noong Abril, dulot ng pagtaas ng presyo ng transportasyon at kuryente, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni national statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation ay umakyat sa 3.9% noong Mayo 2024, mas mataas ng bahagya mula sa 3.8% noong Abril 2024.
Mas mababa ito kumpara sa 6.1% na naitala noong Mayo 2023.
Nasa loob ng forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 3.7% hanggang 4.5% ang inflation rate ngayong buwan.
Ayon kay Mapa, ang pagtaas ay sanhi ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel, na tumaas ng 0.9% noong Mayo mula 0.4% noong Abril 2024. Ang kategoryang ito ay bumubuo ng 56.8% ng pagtaas ng inflation.
Sinabi ni Mapa na ang pagtaas ng inflation para sa pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel ay dahil sa mas mabagal na pagbaba ng presyo ng kuryente at mas mabilis na pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas.
Ang mga gastos sa transportasyon ay nag-ambag din sa pagtaas ng inflation, na tumaas sa 3.5% noong Mayo 2024 mula sa 2.6% noong Abril. Iniuugnay ito ni Mapa sa 1.5% pagtaas ng pasahe sa transportasyong pandagat at mas mataas na presyo ng gasolina at diesel.
Samantala, bumaba ang food inflation sa 6.1%, mula sa 6.3% noong nakaraang buwan. Ayon kay Mapa, ang pagbaba ay dahil sa mabagal na pagtaas ng presyo ng mga gulay, tubers, plantains, cooking bananas at pulses, na bumaba sa 2.7% noong Mayo mula 4.3% noong Abril.
Nanatiling flat ang inflation ng isda at seafood sa 0%, mula sa 0.4% noong Abril. Ang rice inflation ay bumaba rin, na bumaba sa 23% mula 23.9% noong nakaraang buwan.
Ang core inflation, sa kabilang banda, ay bumagal sa 3.1% noong Mayo 2024, mula sa 3.2% noong Abril at mas mababa kumpara sa 7.7% na naitala noong Mayo 2023.