Rockets’ Udoka, Sengun, and Eason Hit with NBA Fines After Heated Clash

0 / 5
Rockets’ Udoka, Sengun, and Eason Hit with NBA Fines After Heated Clash

NBA fined Rockets’ Ime Udoka, Tari Eason, at Alperen Sengun matapos ang heated incident vs Sacramento Kings. Technicals, ejections, at intense fines ang nangyari.

—NBA slapped heavy fines sa Houston Rockets matapos ang kontrobersyal na tagpo sa kanilang laban kontra Sacramento Kings nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Ang head coach na si Ime Udoka ay pinagmulta ng $50,000 dahil sa paggamit ng “profane language” sa referee, pagtanggi sa maayos na pag-alis ng court matapos ma-eject, at ang kanyang post-game na tahasang pagbatikos sa officiating.

Si Tari Eason, Rockets forward, ay tinamaan ng $35,000 fine para sa paghagis ng towel at paggamit ng “inappropriate language” sa isang fan. Samantala, si Alperen Sengun, ang Turkish big man, ay pinagmulta rin ng $15,000 dahil sa pagsasalita ng hindi kanais-nais sa isang referee.

Ang lahat ng ito ay naganap sa huling 1:52 ng fourth quarter ng 120-111 loss ng Rockets sa Sacramento. Matapos ang intense game, tila nag-simmer pa ang init ng emosyon, leading to multiple technicals and ejections.

Sa kabila nito, nananatili sa impressive 15-7 record ang Rockets, ikalawa sa Western Conference at pang-apat overall sa NBA. Top performer si Sengun ngayong season na may averages na 19.0 points, 10.7 rebounds, at 5.3 assists, habang si Eason naman ay nagko-contribute ng 11.3 points at 6.5 rebounds per game.

Kwento ng laro, kwento ng emosyon.

READ: Heat Dinurog ang Lakers, Hawks Win Streak Stopper ng Bucks