— Si Iga Swiatek, ang kasalukuyang world number one, ay nagkuwento na ang pag-uusap nila ni Serena Williams sa US Open grounds nitong Sabado (Linggo, oras sa Maynila) ay nagbigay sa kanya ng "positive kick" bago ang kanyang third-round na laban kay Anastasia Pavlyuchenkova.
Nakita si Swiatek na nakikipag-usap kay Williams sa gym ng mga players sa Flushing Meadows. Pero sa halip na madistract, sinabi ni Swiatek na mas lalo pa siyang nainspire at nabigyan ng lakas para sa laban. "More inspired me and it gave me, like, a positive kick, so it was nice," sabi ni Swiatek.
Nagbalik si Williams sa venue suot ang isang throwback look na maikling pleated denim skirt at jacket, isang paalala ng kanyang dating estilo noong panahon ng kanyang anim na panalo sa US Open. Hawak ni Williams ang record para sa pinakamaraming US Open women's singles titles kasama si Chris Evert.
Huling naglaro si Williams sa tournament noong 2022, kung saan inanunsyo na niya ang kanyang plano na "evolve away" mula sa tennis pagkatapos ng huling Grand Slam na iyon.
"Super nice to see her," ani Swiatek. "Ang dami niyang positive energy. Ang saya na bumalik siya dito at nakipag-chat pa sa mga players."
"Kahit ilang beses na kaming nagkikita at magkasama na sa tour, star-striking pa rin siya para sa akin," dagdag ni Swiatek.
"Masaya na siya ang lumapit kasi hindi ko kakayanin ang lakas ng loob na gawin iyon. She's really nice and positive."
Si Williams, na abala ngayon sa iba’t-ibang negosyo at kakapanganak lang ng kanyang pangalawang anak noong nakaraang taon, ay nakita rin sa Arthur Ashe Stadium na nanonood ng laban ni men's world number one Jannik Sinner laban kay Christopher O'Connell.
Nag-enjoy din siya sa laban nina Tommy Paul at Gabriel Diallo.
Samantala, ang kanyang kaibigan na si Caroline Wozniacki, na nagbabalik sa tour pagkatapos ng maternity break, ay pabirong nagsabi na medyo nagtatampo siya dahil hindi niya nakita si Williams sa stands noong laban niya.
"Happy ako na she's following tennis and my game kasi sinabi niya sa akin na she's cheering for me," ani Swiatek. "Laging masarap pakinggan ‘yon lalo na galing kay Serena."
Pinakita ni Swiatek ang galing sa kanyang 6-4, 6-2 panalo kontra sa 27th-ranked na si Pavlyuchenkova, isang kalaban na may impressive na resume sa Grand Slams.
Susunod na makakalaban ni Swiatek ang 16th-seeded na si Liudmila Samsonova ng Russia para sa isang pwesto sa quarterfinals.