— Nagpasiklab ang all-Filipino team na Team Secret kontra sa kampeon ng Valorant Masters Shanghai, Gen.G ng South Korea, para tapusin ang group stage ng VCT Pacific Stage 2 sa ikatlong puwesto.
Mainit na sumabak ang Adobo Gang sa kanilang map pick na Sunset, humataw agad sa first half sa score na 10-2, at nagtapos ang mapa sa 13-6, sa loob lamang ng 40 minuto.
Nakapag-adjust naman ang Gen.G sa kanilang map pick na Lotus, at nakakuha ng pitong sunod-sunod na rounds. Pero kahit hirap, nagawang makabawi ng Team Secret at tinapos ang first half sa 5-7. Nang umarangkada ang Gen.G sa kanilang attacking side, kumapit lang ang Team Secret ngunit napilitan silang mag-decider sa 7-13.
Sa huling mapa na Split, umabante ang Gen.G ng limang sunod na rounds, tinapos ang half sa 3-9. Bagama't nanalo ang Team Secret sa pistol round sa second half, sapat na ang kalamangan ng Gen.G para abutin ang match-point sa 8-12.
"Alaala ko lang na sinabi ko sa kanila, apat na rounds lang 'yan, kaya natin 'to," ani coach Tim "dummy" Olson nang gamitin ang huling overtime para magbigay ng inspirasyon sa kanyang koponan.
At, aba, inspirasyon nga! Nakuha ng Adobo Gang ang tamang basa sa South Korean champions at nakakuha ng anim na sunod na rounds para umabot sa overtime at sa huli'y manalo, 14-12.
Hindi natalo ang Team Secret sa second stage ng VCT Pacific, na nagtapos sa pitong panalo at tatlong talo (pinagsamang resulta ng first at second stage), at natapos ang group stages sa ikatlong puwesto.
Mag-uumpisa ang VCT Pacific Playoffs sa Biyernes, Hulyo 12, kung saan makakasagupa ng Team Secret ang sixth seed na Talon Esports sa ganap na 7 p.m. (Manila time).