— Ang dating magkaribal sa tennis court, ngayo’y magkasangga na. Inanunsyo ni Novak Djokovic, ang 24-time Grand Slam champion, na si Andy Murray, retiradong British tennis star, ay opisyal nang bahagi ng kanyang coaching team simula sa Australian Open sa Enero.
“Excited ako na makasama ang isa sa mga pinakamalaking karibal ko—this time, as my coach. Melbourne has always been special for us, and I can’t wait to start this journey,” pahayag ni Djokovic noong Linggo.
Si Murray, tatlong beses na Grand Slam champion na nagretiro mula sa kompetisyon nitong Agosto, ay equally thrilled: “I look forward to helping Novak achieve his goals, at makakatuwang siya on the same side of the net—for a change.”
Nag-post pa si Djokovic sa X (dating Twitter) ng isang throwback video kasama si Murray, na may caption na pabirong: “He never liked retirement anyway.”
Isang Panibagong Kabanata
Hawak ni Djokovic ang record na 10 Australian Open titles, apat sa mga ito ay napanalunan laban kay Murray sa finals. Gayunpaman, bumaba ang ranking niya sa world No. 7 ngayong taon matapos mabigong makakuha ng Grand Slam title noong 2024.
Natalo siya kay Jannik Sinner sa Australian Open semifinals at kay Carlos Alcaraz sa Wimbledon finals. Sa kabila nito, ang Olympic gold sa Paris ang itinuring niyang highlight ng taon.
Samantala, ang karera nina Djokovic at Murray ay punung-puno ng iconic duels. Nagtapat sila ng 36 beses, 19 dito sa finals, kabilang ang pitong Grand Slam clashes. Dalawang beses nanalo si Murray sa majors laban kay Djokovic—2012 US Open at 2013 Wimbledon, kung saan siya naging unang British na nagkampeon sa All England Club matapos ang 77 taon.
Bagong Simula
“25 years na kaming magkaribal—mula pa noong bata kami. But now, we’re writing a new chapter together. Time for one of my toughest opponents to join my corner,” dagdag ni Djokovic.
Tinapos ni Djokovic ang partnership niya kay Goran Ivanisevic noong Marso matapos ang 12 Slams na napanalunan nila bilang coach-player tandem. Ayon kay Ivanisevic, “Novak is not easy to coach. He’s intense, relentless, and always chasing history.”
Ngayon, sa tulong ni Murray, muling umaasa si Djokovic na mababawi ang Australian Open title at malalagpasan ang 24 Grand Slam record ni Margaret Court. Ang tanong: sapat kaya ang kombinasyong ito para muling maghari ang Serb sa tennis world?
Abangan sa Melbourne.
READ: Rafa Nadal Bids Farewell: Tributes Pour in for a Legend