UAAP Football Games na Postpone Dahil kay Bagyong Kristine, Itinakda sa Linggo

0 / 5
UAAP Football Games na Postpone Dahil kay Bagyong Kristine, Itinakda sa Linggo

UAAP kinansela ang football matches dahil kay Bagyong Kristine, muling itinakda sa Linggo, Oktubre 27. Laban ng UP, La Salle, UE at Ateneo apektado ng bagyo.

—Na-postpone ang mga UAAP football games na dapat gaganapin ngayong Huwebes, Oktubre 24, dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine. Inanunsyo ng UAAP kagabi na ang mga laban sa men's football sa UP Diliman Football Stadium ay hindi na matutuloy at muling isasagawa sa Linggo, Oktubre 27.

Dapat sanang magharap ang UP Fighting Maroons at La Salle sa isang mainit na bakbakan ng alas-4 ng hapon, kasunod ng labanan ng University of the East at Ateneo de Manila ng 6:30 p.m.

Ang desisyon na ito ay bahagi ng hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga atleta, coaching staff, at mga manonood dahil sa banta ng bagyo. Nauna na ring ipinagpaliban ang mga UAAP basketball games noong Miyerkules, Oktubre 23, dahil din kay Bagyong Kristine.

Ang bagong iskedyul ng mga football matches ay inihayag na ililipat sa Linggo, ngunit maaaring may karagdagang updates depende sa lagay ng panahon.

READ: LaLiga Youth Football Sa Pilipinas, Bongga ang Tagumpay!