Umpisahan na Ninyo': Diwata Nagbibigay ng Payo sa mga Gustong Mag-Negosyo

0 / 5
Umpisahan na Ninyo': Diwata Nagbibigay ng Payo sa mga Gustong Mag-Negosyo

Umpisahan na ninyo ang negosyo, ayon kay Diwata sa Shift x Chillax Vape Fest 2024. Payo para sa mga gustong mag-negosyo.

— Sa naganap na Shift x Chillax Vape Fest 2024, isang makabuluhang payo ang ibinahagi ng entrepreneur at social media sensation na si Diwata para sa mga nagnanais magsimula ng kanilang sariling negosyo.

Sa eksklusibong panayam ng Philstar.com, ibinahagi ni Diwata, na ang tunay na pangalan ay Deo Balbuena, ang kanyang pananaw sa pagsisimula ng negosyo.

"Sa lahat ng mga gustong mag-negosyo, kung gusto niyong mag-negosyo talaga, kung kaya niyo nang umpisahan, umpisahan na ninyo. Kasi kailan niyo pa uumpisahan, 'pag hindi niyo na kaya?" ani Diwata.

Bilang isang viral na entrepreneur, ibinahagi rin ni Diwata na ang pag-suko ay hindi opsyon para marating ang kanilang mga pangarap.

"Walang imposibleng makamit 'yung mga pangarap natin sa buhay kung bibigyan na natin ng aksyon ngayon pa lang," dagdag pa niya.

"Kung madapa man tayo, 'wag sumuko. Bumangon ulit at lalo pa nating galingan. Ganon lang, labanan lahat ng mga struggles sa buhay kasi ganon ang ginagawa ko e. Laban pa rin. Ganon naman ang buhay. Up and down lang," kwento ni Diwata.

Ang Shift at Chillax, dalawang nangungunang vape brands sa bansa, ay nagsama para sa kanilang unang VapeFest sa Pasig City.

Dinaluhan ito ng mga sikat na social media influencers sa bansa tulad nina Rosmar, Boss Toyo, Diwata, Ava Mendez, at Bogart, kasama ang mahigit 50 pang imbitadong influencers. — Video ni Jan Milo Severo, editing ni Anjilica Andaya