Ji Chang Wook Nagdala ng 'Kilig' sa Manila 2024 Fan Meet

0 / 5
Ji Chang Wook Nagdala ng 'Kilig' sa Manila 2024 Fan Meet

Ji Chang Wook nagpatawa at nagpakilig sa Manila fan meet sa Araneta, binalikan ang eksena ng “Lovestruck in the City,” nagpakitang-gilas sa pagkanta.

— Nagpa-kilig talaga si Korean actor-singer Ji Chang-wook sa kanyang mga Pinoy fans kahapon sa Araneta Coliseum.

Sa kanyang "Moments With Ji Chang-wook" fan meet, binalikan ni Ji ang ilang eksena mula sa kanyang K-Drama na “Lovestruck in the City” kasama ang isang maswerteng Pinay fan.

Ang fan na ito ay nakatanggap ng yakap mula kay Chang-wook, dahilan para magwala ang audience sa kilig at tuwa.

Nagpakitang-gilas din si Ji sa kanyang pagkanta, na talaga namang nagpa-hiyaw ng crowd.

Bumalik si Ji sa Pilipinas matapos ang kanyang unang pagbisita noong August 2022, kung saan hosted ng isang Filipino clothing label ang kanyang "Reach You" fan meet sa Mall of Asia Arena.

Mula pa noong 2019, endorser na si Ji ng nasabing brand. Noong 2020, dapat sana'y bibisita rin siya ngunit naudlot dahil sa COVID-19 pandemic.

Kilala si Ji Chang-wook sa kanyang mga iconic na roles sa “Empress Ki,” “Suspicious Partner,” “The Worst of Evil,” “The Queen Woo,” “Healer,” “Warrior Baek Dong-soo,” “The K2,” pati na rin sa mga pelikulang “Fabricated City,” “Hard Hit,” at ang upcoming “Revolver.”

READ: Korean Singer-Actor Seo In-Guk to Hold Manila Fan Meeting in August